Waking up with a list of tasks to undertake
or even out like in the bank, supermarket, and drugstore.
I still have online activities
that need my attention as well.
WEEKENDS
to come.
Oh! It may be time to have a break
but laundry is waiting for me.
Waking up with a list of tasks to undertake
These are some of Kiko's abstract creations. His love for drawing using crayons is just fascinating. Almost everyday, he would get his sketch pad and starts to do random designs. He draws outline of any shape then fills them up with various colors.
Heart Hearty Heart |
Monster L |
Candy House |
Five years back, I glanced at this cute chubby face for the very first time. From day one up to this writing, he never fails to amuse me... the way he thinks and speaks out his thoughts, the way he moves and reacts to situations. He has this prominent character that makes our lives more interesting and tiresome at the same time.
Newly born KIKO |
Marriage is a lifelong commitment of two individuals who are joined by a matrimonial ceremony. It is the process by which a couple makes their relationship public, official, and permanent. It's a legalized union of two people who vowed to live life together, forever. A contract that establishes the rights and obligations of both parties involved. But living together without marriage is definitely a different story.
My husband and I are not a perfect couple. We have had countless arguments but as much as possible, we refrain from doing it in front of our kids. Disagreements and misunderstandings are natural occurrences in any healthy relationship. However, frequent quarrels and fights can resort to saying hurtful comments and behaviors.Subconjunctival Hemorrhage in my right eye |
Why “dirty ice cream”? Is it because this favorite frozen delight a dirty food? Actually, even I don’t know why it’s called such. So, I made some research about its origin and the reason behind its name.
The icing on his face |
Everything is open to serve you |
Kumusta naman ang puso mo? Ok ba ang mga kaganapan sa buhay-buhay? Sana, wala ka namang pinagdadaanan ngayon. Kung meron man.. "daanan mo lang at wag mong tambayan."
Image from the web |
"It's easier said than done." Dahil para sa iba, hindi lang isang iyak ang problema. Balde-baldeng luha ang dadaloy sa mga mata bago maka-move on. Kahit nga tunggain pa ang lahat ng red horse sa mundo. Malalasing lang at makakalimot nang konti pero paggising... TULALEY pa rin ang peg ng lola mo (o lolo kung lalake. Hehehe!)
Maraming nangyayari sa mundo na mahirap ipaliwanag at maintindihan pero wala naman tayong ibang pwedeng gawin kundi, ang tanggapin ang mga ito at ilagay sa isip na... "pagkatapos ng ulan ay sisikat muli ang Haring Araw para magbigay ng bagong pag-asa."
Meron naman akong kakilala, akala mo kung sinong makapanghusga ng kapwa nya.. Biruin mo ba naman, ang sabi sa kapit-bahay nya...
"Hoy, bakit ka ba nakatalikod. Humarap ka! Kung anong pangit ng mukha mo, sya ring pangit ng ugali mo!"
Si ate girl naman.. kung makapanglait. Eh lahat naman tayo ngayon, mata na lng ang nakikita dahil sa naka-face mask na, naka-face shield pa. "Bawal ang judgemental noh..."
Image not mine |
Ang hirap ma-please ang mga tao ngayon, lalo na ang mga millenials. Masyado silang mabilis mag-isip... padalus-dalos pero mainipin. Dahil na rin siguro sa technology. Eh biruin mo ba naman.. ang ligawan, virtual na ang approach. Iba pa rin yung may physical touch pero hindi yung iniisip nyo ha. Ang ibig kong sabihin.. yun bang nag-uusap ang mga mata hindi ang mga daliri sa kakatipak.
"Bakit ba masarap ang magmahal?" Eh kasi, sweet ang cupcake ko 👫
"Bakit masakit naman din ang magmahal?" ACHE kasi, he broke my heart 💔
Sa aking palagay, hindi malalim ang nagiging pundasyon ng mga relasyon ngayon dahil na rin sa digital world.
Image not mine |
Napapansin ko ngayon, malaki ang epekto ng social media sa mga tao lalo na emotionaly. Kung ano ang nararamdaman mo, negative man o positive.. naka-post agad sa Facebook. Hindi ko naman nilalahat pero karamihan. Yung iba sa Twitter dinadaan ang rants.. pwede pa nga mga bad words 👎 Kung sabagay, kanya-kanya tayo ng paniniwala. "Walang basagan ng trip."
Oh pano, hanggang dito na lang muna. Abangan nyo ang next post ko. Part 2 ng hugot lines.
Grabe!!! Ay grabe talaga!!!
Sino ba ang mag-aakala na ang pinaka-BEE-dang fastfood chain sa Pilipinas ay mana-KNOCKDOWN ng COVID-19? Sino rin ang mag-aakala na ang paboritong pulang mascot na bubuyog ay naka-quarantine din? At sino rin ang mag-aakala na wala munang magaganap na birthday celebrations at special occassions na ang handa ay ang LANGHAP-SARAP na chickenjoy?
Ganito sya noong bago mag-pandemya. Isang damakmak na tao.. Bagets man o senior citizens, SUKI niya. Hindi nawawalan ng mahabang pila.
At ang saya-saya, noh? Papicture dito.. Selfie doon. Napakarami mong nabusog na madlang pipol hindi lang nationwide, worldwide pa. Hindi mabilang na mga memories na naging parte na ng buhay ng bawat PILIPINO saan man sa mundo. Kahit nga ibang lahi, napa-bilib mo JOLLIBEE...
Pero nasaan ka na? Miss ka na namin. Nakaka-order pa rin naman dahil sa online delivery pero iba pa rin yung nakikita ka namin na nagungulit sa store lalo pag may parties. Ang galing-galing mo sumayaw. Mabuti na lang at may nag-compile ng mga HATAW mo sa dance floor. SALAMAT sa video na to at kahit papano, nakita ka namin sa TIKTOK.
Because of this coronavirus pandemic, Jollibee Foods Corporation temporarily closed half of its stores worldwide leading to a P10.2 billion net loss in the second quarter of 2020. According to JFC CEO Ernesto Tanmantiong...
"The business results were very bad but in line with our forecasts. We are now focusing on rebuilding our business moving forward along with implementing major cost improvements under our Business Transformation program."
While JFC chief financial officer Ysmael Baysa said...
"The business transformation plan includes closure of 255 company-owned stores, change in ownership of 95 stores, pre-termination penalties in US and China and closure of supply chain facilities, among others."
Here's how Jollibee stores deal with the current situation. No more crowds... No more long queue lines... No more happy faces because the SMILES are covered by masks and face shields.
Ooooops... Wag naman masyadong malungkot. Ika nga,.."There's always a rainbow after the rain." Kailangan nating buhayin ang pag-asa sa ating puso na malalampasan natin ang krisis na ito. Pasasaan ba't masisilayan din natin ang muling pag-ngiti ng ating pambansang BFF... si Jollibee.
Hipuin
Nyo po kami ng Iyong mapagpalang kamay. Pagkalooban ng mabuting kalusugan upang
malabanan namin ang kahit ano mang karamdaman. Ilayo Nyo po kami sa ano mang
kapahamakan. Manatili po kaming matatag lalo na sa panahon ng kahinaan at
pagsubok. Maging matibay ang aming pananampalataya sa Inyo. Ituro Nyo po sa
amin ang tamang landas upang kami ay maging karapat-dapat sa Iyong pagpapala. Patuloy
nyo pong basbasan ang bawat pamilyang nakakaranas ng kahirapan, nawawalan ng
pag-asa at naliligaw ng landas.
Sana
po’y mangibabaw ang kababaan ng loob ng bawat isa sa mga pagkakataong di kami
nagkakaunawaan. Kayo po ang manahan sa aming puso at isip upang malabanan
naming ang pangamba at takot lalo na sa kasalukuyang krisis na aming
kinakaharap. Nawa’y malampasan namin ito at unti-unti kaming makabangon sa
Iyong habag at tulong.
Kayo
po ang nakakaalam ng pinakamabuti para sa amin. Batid Mo po ang aming
pangangailangan sa araw-araw na pamumuhay. Ipagkaloob Mo po na matupad ang
aming mga pangarap ng magandang kinabukasan.
Panginoon, Kayo po ang aming lakas at aming tagapagligtas. Yakapin mo po ang bawat pamilyang Pilipino ng Iyong walang hanggang pagmamahal. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ng Iyong banal na pangalan. AMEN
Mas mararamdaman nyo ang bawat salita kung papanoorin nyo ang video na ito...
GRABE SYA!!!
Ang lalim ng mga salitang namutawi sa kanyang mga labi. Ngunit, subalit, datapwat, napakahusay nyang gumawa ng tula. Kapatid, ikaw na ang tunay na makata 👏👏👏
SIMULA
Malamig. Hanging labas masok sa aking dibdib
Dumilat. Nasilaw sa ilaw na sa bintana’y nakasilip
Nag-inat. Ginising ang katawang nais pang umidlip
Buhay ako. Salamat
Walang tutumbas sa gandang dulot ng umaga
Ang bukang liwaway na laging nanghahalina
Ibinabalik tayo sa ating pagkabata
Sabik na sabik sa pasalubong nitong dala
Puno ng mga pangako ng bagong simula
Kanya-kanya tayong dahilan ng pagsisimula
May nagsisimula dahil may natapos
May nagsisimula dahil may naubos
May nagsisimula dahil sawa na sa poot
May nagsisimula dahil nais makalimot
May nagsisimula dahil ayaw na sa luma
May nagsisimula dahil may bagong nakasalamuha
May nagsisimula dahil may gustong patunayan
May nagsisimula dahil ayaw na sa nakasanayan
May nagsisimula sapagkat, wala lang, maiba lang
Anu’t ano pa man ang dahilan ng ating pagsisimula
Mainam na bitbit pa rin nating ang mga alaala ng nakaraan
‘Di upang hilahin tayo nito pabalik, kundi upang magsilbi itong gabay
Sa bagong landas na pinili nating lakaran
Landas na hindi sigurado ang patutunguhan
Landas na puno ng mga hamong kailangang lampasan
Ngunit hindi alintana ang kawalang katiyakan
Dahil umaasa tayo na sa dulo, naroon ang tunay na kaligayahan