"Nabaling Pakpak"



Sa isang iglap
ang ngiti mo
wari’y lumisan
Namalas ang tamlay 
sa iyong mga mata
Kagyat naglaho ang 
talino, sigla at saya.

Pagkabagot at inip
ang umuulayaw 
sa bawat araw 
na magdaan
Ang makita ka
sa ganitong kalagayan
sadyang kumukurot 
sa aking kaibuturan.

Ang talas 
ng iyong isip
napudpod na 
parang lapis
Nabura ang alaala ng 
mga numero at letra
Mga dating kaalaman
naligaw kung saan.

Di tiyak kung kailan
muli mabubuhay
ang bawat himaymay
na nawalan ng malay


Kalusugan ay
tunay na kayamanan
Ngayon ito’y pahalagahan
at ingatan.

Nawa’y dinggin
ng Maykapal
ang aking 
bawat dasal
Hangad ko ang iyong 
ganap na kagalingan
Ipagkaloob Nyang muli 
ang ‘yong kalakasan.

Sa iyong braso’y
may nakaguhit na agila
na tulad mo, animo’y
nanlumong bigla
Subalit buo ang
aking paniniwala na
ang pakpak na nabali
ay lilipad na muli.


Love is a Battlefield



Love is a 
battlefield. 
We may lose 
if we are weak.. 
We may win 
if we are strong. 

Either way, we emerge as victors 
because love is worth fighting for.

love is a battlefield - simplymarrimye

Moving On

The pain of moving on and letting go is unbearable. It can take years for someone to heal and for others, a lifelong process. The intensity of pain depends on the person experiencing it. Nobody can avoid being hurt.. It's never easy to forgive and forget especially when the pain is deep.


moving on by simplymarrimye



Follow me on Instagram for more awesome posts

Choose Happiness


choose happiness - simplymarrimye


There's a difference between
being happy ang being successful

There are people
who are blessed with so much
yet wear a fake
smile on their face

There are some who 
easily get what they want
yet never value
what they have

Others may have abundance 
in wealth and power
but still feel sad, uncontented
and alone

You may be on top of the world
but your success is nothing
when your heart is 
empty and unhappy.

"Huling Kabanata"

Napapad kung saan
ang tanging pangarap ko.
Tinangay ng hangin
tinaboy sa malayo.
Nasaktan ang damdamin
takot nang mabigo.
Natitirang pag-asa'y
bigla pang naglaho.


Huling Kabanata - simplymarrimye

Ilang beses nang bumuo
ng isang kastilyo.
Inakalang matatag
matibay ang pagkakatayo.
Nadaanan lamang
ng mahinang bagyo,
nabuwal ang haligi't
kisap-mata'y gumuho.


Huling Kabanata - simplymarrimye

Kailan ba matatapos
matagal na paghihintay?
May dahilan pa kaya
ang magtiwala ng tunay?
Matatagpuan pa kaya
ang tinakdang kaugnay
nitong pusong sadyang
nawalan nang malay.


Huling Kabanata - simplymarrimye

(Photos from the web)