Share This

Pangako



Nangako ka na ba?
Malamang... OO ang sagot mo
Eh, natupad mo ba?
Malamang... yung iba, hindi pa.

Sino ba ang seryoso?
Lahat tayo nagbibitiw ng salita
depende na lang sa tao
kung taos sa puso at di nagbibiro.

Pero, ang malaking tanong ko
sa iyo, sa kanila at sa lahat...
Bakit marami pa ring matang umiiyak
dahil sa isang pangakong napalpak?

Mahirap man o madali, matagal man o maikli
Abutin man ng isang laksang paghihintay
ang mahalaga'y maging totoo
anuman ang ipapangako mo.


-Photo not mine-


1 comment:

  1. I like how each words rhymes together and the every lines struck me! I couldn't agree more! :')

    www.lalalapatricia.com

    ReplyDelete

Your thoughts, ideas, opinions and suggestions about my post are highly appreciated. My deepest and warmest greetings to you. GOD bless always!