Share This

DEBUT ko Noon, DEBUT nya Ngayon - Part 1

Ang Debutante at ako
Ang Debutante at ako

Naisip ko lang
ang malaking kaibahan
nang aking ipagdiwang
ang ikalabing-walong kaarawan.

Naghanda lamang nang kaunti
para pagsaluhan
ng aking pamilya
at ilang kaibigan.

Naalala ko pa nga
palapa pa ng niyog
ang nagsilbing dibisyong nilagay
sa labas ng aming bahay.

Ako pa mismo ang gumawa 
ng sarili kong paanyaya
tanda ko pa ang bawat salita
at ang lasong inilagay ko sa gitna.

May konting tugtugan
wala nang gaanong seremonya
pagkatapos ng kainan at kwentuhan
oras na para mag-uwian.

Lumipas na ang maraming taon
ang anak ko naman
ang debutante ngayon
at ako ang punong-abala sa okasyon.

Pinaghandaan kong mabuti 
pinagplanuhang maigi
di man perpekto ang kinalabasan
alam kong lahat ng bisita'y nasiyahan.

Dahil kay Kimpee Catinoy
nanatili ang ganda naming mag-ina
mahusay na "hair and make up artist"
 talaga sya.


Ang Debutante at si Kimpee
Ang Debutante at si Kimpee

3 comments:

  1. Ang swerte naman ng anak nyo. Makikita na talagang mahal nyo sya sahil kayo mismo ang punong abala sa kanyang pasinaya. :-)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nagtanong din ako ng event planner/organizer kaso nga lang, MAHAL. Labor of LOVE talaga ang secret ng success ng event.

      Delete
  2. It's always nice to see a mother and a daughter work on something as fulfilling as a debut party.

    ReplyDelete

Your thoughts, ideas, opinions and suggestions about my post are highly appreciated. My deepest and warmest greetings to you. GOD bless always!