Sa loob ng mahigit isang buwang pagsusunog ng kilay, natapos ko rin ang first ever serious Youtube vlog ko at eto na nga ang BTS o behind the scenes ng "Hello FOREVER". Tinanong ako ng bunso kong anakshie na si KIKO noong pinapanood ko sa kanya ang raw video at ang tanong nya sa akin ay ganito... "Mama, saan ka nahirapan sa paggawa ng video mo? Hindi ko alam kung maiinis ako o matatawa sa tanong nya. Pero ipaliwanag ko man sa kanya isa-isa kung saan nga ba ako nahirapan, baka hindi lang nya ako maintindihan dahil sa pagta-type pa lang sa keyboard ay super bagal ko na samantalang sya na 11 years old pa lang ay kapado na ang bawat letra. Bakit nga ba hindi ako natuto sa proper placing ng daliri sa keyboard para habang nagta-type ako ay nakatingin lang ako sa screen para madali lang matapos ang isang blog post ko. Para sas inyong kaalaman ay ishe-share ko na rin kung paano ko nagkanda-ugaga sa paggawa ng video na ito. Ako ay isang 24/7 na momshie kaya habang wala akong