Posts

Showing posts from October, 2020

"Simula, Katha ng Isang Makata"

Image
GRABE SYA!!!  Ang lalim ng mga salitang namutawi sa kanyang mga labi. Ngunit, subalit, datapwat, napakahusay nyang gumawa ng tula. Kapatid, ikaw na ang tunay na makata 👏👏👏 SIMULA Malamig. Hanging labas masok sa aking dibdib Dumilat. Nasilaw sa ilaw na sa bintana’y nakasilip Nag-inat. Ginising ang katawang nais pang umidlip Buhay ako. Salamat Walang tutumbas sa gandang dulot ng umaga Ang bukang liwaway na laging nanghahalina Ibinabalik tayo sa ating pagkabata Sabik na sabik sa pasalubong nitong dala Puno ng mga pangako ng bagong simula Kanya-kanya tayong dahilan ng pagsisimula May nagsisimula dahil may natapos May nagsisimula dahil may naubos May nagsisimula dahil sawa na sa poot May nagsisimula dahil nais makalimot May nagsisimula dahil ayaw na sa luma May nagsisimula dahil may bagong nakasalamuha May nagsisimula dahil may gustong patunayan May nagsisimula dahil ayaw na sa nakasanayan May nagsisimula sapagkat, wala lang, maiba lang Anu’t ano pa man ang dahilan ng

"Paano Nga Ba Maka-Move on"

Image
Love is being with someone who'll always choose to stay and never leave... Someone who'll never give up no matter what. Pero, biglang nagbiro ang tadhana. Sa kabila ng malalim na pinagsamahan at maraming pinagdaanan, ay bumitiw ang inyong mga kamay at tuluyang nagkahiwalay.  Ano ang naging dahilan at biglang nagbago? Isa sa inyo ang lumisan at isa ang naiwang luhaan. Ang malaking katanungan ngayon ay, kung paano makalimot at muling mag-umpisa...  Moving on can never happen overnight and for some, it may take a while. Sino ba ang hindi nakaranas ng breakup? Walang nagsabi na madali lang ang proseso. Maraming tanong pero ang sagot din ay bakit. Mahirap talagang tanggapin ang katotohanan na hindi kayo para sa isa't-isa. Paano nga ba mag-move on? FIRST STEP : Game ka na ba? Kailangan handa ka at desididong bumangon. Believe that you can survive this battle. STEP 2 : It's OK not to be OK Namnamin mo ang sakit. Umiyak ka hanggat gusto mo. Kailangan mong pagdaanan ang stag