Share This

"Control-Alt-Delete"

Control-Alt-Delete by Simplymarrimye











May mga taong sadyang manhid
Hindi man lang marunong makiramdam.
Sadyang dedma lang at walang pakialam.

Sa mga nilalang na may pusong-bato,
ano nga ba ang dapat sintensya?
Eh di... i-unfriend o unfollow mo na lang sila.

Oh, wag nang magdalawang isip
tanggalin na sila sa 'yong bokabularyo
tuluyan nang mag-move on at wag nang lilingon.

Mag-shutdown man ang buhay mo
pwede ka pa namang mag-reboot.
at kailangan, magaling ka ring mag-troubleshoot.

No comments:

Post a Comment

Your thoughts, ideas, opinions and suggestions about my post are highly appreciated. My deepest and warmest greetings to you. GOD bless always!