Share This

"Usapang Lapis"


Photo not mine



MAHABA...
ang sukat nito
Umiikli kapag madalas gamitin
PAYAT...
Dapat lang!
Para madaling hawakan ano man ang gagawin.

MURA
ang presyo nito
Kaya pwedeng bilhin kahit sa suking tindahan.
MAGAAN
Syempre naman!
Para mainam dalhin kahit saan.

Pwede itong ipang-drawing
o kaya'y pansulat.
Gamitin lang ang pambura 
kung magkakamali ka.
at tasahan mo pag malabo na

Itong si lapis
minsa'y naghihinagpis
marami na kasing
umiisnab sa kanya.
Di na sya bumibida
Gamit na ang "computer" 
sa paggawa ng "love letter".

Ang lapis daw 
ay parang tao.
Nag-iiwan ng marka
pangit at maganda.
Pero, mag-iingat ka...
hwag maging barumbado
at baka mabura ka sa mundo.

Maraming 
bagay ang naimbento
na naging importante sa buhay ng mga tao.
at isa na rito ang lapis 
na dapat ay matulis
upang magsilbing gamit 
na kanais-nais.



No comments:

Post a Comment

Your thoughts, ideas, opinions and suggestions about my post are highly appreciated. My deepest and warmest greetings to you. GOD bless always!